Pumanaw na ang sikat na Bollywood star na si Irrfan Khan sa edad 53.
Ayon sa kaniyang PR Agency na Hardy Anonymous Communication, na hindi na nakayanan nito ang katawan matapos ma-diagnosed ng rare neuroendocrine tumor isang uri ng abdormal na pagtubo sa katawan ng neuroendocrine cells na nagsimula noon pang 2018.
Nitong nakaraang mga araw ng dinala ito sa ICU ng Kokilaben Dhirubhai Ambani Hospital sa Mumbai dahil sa colon infection.
Ipinanganak sa Rajasthan at nag-aral si Khan sa National School of Drama sa New Delhi bago nagsimula ng acting career.
Matapos ang pagiging supporting actor at kontrabida ay bumida na ito sa pelikulang”Haasil” na nagdala sa pagkapanalo niya ng unang award noong 2004.
Nominado rin at nakakuha rin ng award ito sa mga pelikulang “Life In A… Metro” at “Lunchbox”.
Sumikat ito sa buong mundo sa pagganap niya bilang police inspector sa pelikulang “Slumdog Millionaire” na nakakuha ng walong Academy Awards at pitong BAFTA Awards.
Sumunod na bumida ito sa pelikulang “Life of Pi” na nanalo ilang Golden Globes at Academy Awards at nakasama rin ito sa mga US films na ” The Amazing Spider-Man” , “Jurassic World” at “Inferno”.
Nagpaabot naman ng kanilang kalungkutan ang kaniyang mga fans at kasama sa industriya kabilang dito si Indian Prime Minister Narendra Modi na nagsabing malaki ang epekto sa mundo ng pelikula ang pagkawala ng actor.
Naulila ng actor ang asawa at dalawang anak.