-- Advertisements --
RISHI KAPOOR
RISHI KAPOOR/ Twitter Image

Pumanaw na ang Bollywood actor na si Rishi Kapoor sa edad 67.

Ayon sa kampo nito na cancer ang ikinasawi ng actor at hindi na sila nagbigay na anupang impormasyon.

Nakilala si Rapoor sa mga pagganap niya sa mga romantic movies.

Unang sumikat ito noong bata sa taong 1970 sa pelikula na pinagbidahan ng amang si Raj Kapoor sa pelikulang “Mera Naam Joker”.

Bukod sa magaling na actor ay magaling din itong sumayaw kung saan halos lahat ng mga pelikula nito ay may tema ng pagsasayaw.

Taong 2018 ng ma-diagnosed ito ng leukemia at matagal na nagpagamot sa New York.