-- Advertisements --

Ibinunyag ng Bollywood actor na si Sanja Dutt na dinapuan ito ng cancer.

Sa kaniyang Instagram, sinabi ng 61-anyos na actor na kaniyang tatalunin ang nasabing sakit.

Magsisimula na rin ito ng paggawa ng pelikula sa Nobyembre.

Noong Agosto ay nag-negatibo ito sa COVID-19 matapos magpasuri dahil sa hirap umano ito sa paghinga.

Nitong mga nakaraang linggo ay nagpasuri siya sa Lilavati hospital sa Mumbai at lumabas na mayroon itong lung cancer.

Pinawi naman nito ang pangamba ng fans at sinabing ito ay gagaling din sa nasabing sakit.

Mahigit 150 na pelikula ang nagawa na ng actor mula ng pumasok sa showbiz noong kabataan pa lamang nito.