Hinangaan ng marami ang ginawang pagtulong ng Bollywood actor na si Sonu Sood sa mga migrant workers.
Gumawa kasi ng paraan ang nasabing actor para makauwi ang ilang libong mga migrant workers na na-stranded dahil sa lockdown na ipinatupad sa Mumbai.
Mula pa noong Marso 24 ng ipatupad ang lockdown ay maraming mga migrant workers ang naapektuhan.
Kasama nito ang kababatang si Niti Goel ay nagbigay sila ng mga pagkain at mga groceries sa nasa 45,000 katao na naapektuhan ng lockdown.
Nagrenta rin ito ng ilang mga buses para isakay ang mga stranded migrant pabalik sa kanilang bahay.
Nakilala si Sood bilang pagganap niya sa kontrabida sa sikat na pelikulang Dabangg.
Nagpaabot naman pasasalamat at paghanga ang mga kababayan nito dahil sa ginawang kabutihan ng actor.