-- Advertisements --

Natagpuang patay ang sikat na Bollywood star na si Sushant Singh Rajput.

Ayon sa Mumbai police, posibleng nagpakamatay ang 34-anyos na si Rajput sa kanilang inuupahang apartment.

Bumida ito sa iba’t-ibang mga pelikula at TV drama.

Nagsimula itong sumikat noong 2013 sa pelikulang Kai Po Che na nagwagi sa Berlin film festival.

Pinangunahan naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang nagbigay ng pakikiramay sa sikat na artista at ilang mga kasamahan nito sa Bollywood.