-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang Bollywood actress na si Aishwarya Rai Bachchan at anak nitong babae.

Ang nasabing insidente ay inanunsiyo isang araw matapos na magpositibo rin sa virus ang father-in-law nito na si actor Amitabh Bachchan at asawa nitong si Abhishek.

Kinumpirma rin ni Maharastra state minister Rajesh Tope ang pagpositibo ng walong taong gulang na anak na babae ni Aishwarya.

Ang 46 anyos na si Aishwarya ay dating Miss World na laging napapasama sa listahan ng “most beautiful” list at gumawa ng ilang pelikula sa Bollywood at Hollywood films.