-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan ang Indian actress na si Aishwarya Rai Bachchan matapos na magnegatibo na sa COVID-19.

Banchan
Aishwarya Rai Bachchan/ IG post

Kasamang lumabas ng dating Miss World at Bollywood actress na lumabas sa Nanavati hospital ang anak nito ng babae na si Aaradhya.

Nagpaabot na naman ng pasasalamat sa kanilang fans ang asawa nitong si Abhishek Bachchan dahil sa patuloy ang pagdarasal.

Nananatili naman sa pagamutan si Bachchan at ama nito na isang sikat na actor na si Amitabh.

Magugunitang noong Hulyo 12 ng magpositibo sa COVID-19 ang 77-anyos na actor na si Amitabh Bachchan.

Mula noong naging Miss World noong 1994 ay sumikat na si Aishwarya na naging award-winning Bollywood actress.