-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Bollywood actress na si Anushka Sharma na ito ay buntis na.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa social media kasama ang asawa nitong cricket captain na si Virat Kohli.

Inaasahan na isislang ng actress ang anak nila sa Enero 2021.

Taong 2017 ng ikinasal ang dalawa sa Italy matapos ang ilang taon na pagsasama.

Bukod sa pagiging actress ay movie producer din si Sharma, na ilang mga pelikulang ginawa nito ay ang series na “Paatal Lok” na inilabas sa Amazon Prime Video at ang horror film na “Bulbbul” sa Netflix.