-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Bollywood actress Priyanka Chopra na ito ay hiwalay na sa asawang si Nick Jonas.

Sinabi nito na naglagay lamang sila ng mga boundaries para magkaroon ng mga privacies sa mga pamilya at sa trabaho bilang artista.

Ikinasal ang dalawa noong Disyembre 2018 sa magarbong Christian at Hindu Ceremonies.

Subalit noong nakaraang taon ay lumabas ang spekulasyon na nagkaroon ng problema ang kanilang pagsasamahan ng ilabas ng actress ang larawan habang ito ay mag-isa lamang.

Nagpaplano na ang dalawa na magkaroon ng anak dahil ito ang kanilang matagal ng pangarap.

Si Chopra ay dating Miss World habang ang asawa nito ay miyembro ng sikat na bandang Jonas Brothers.