-- Advertisements --

Arestado ang Bollywood actress na si Rhea Chakraborty.

May kaugnayan ito sa pagkamatay sa kasintahan nitong actor na si Sushant Singh Rajput.

Natagpuang patay kasi ang 34-anyos na actor sa kaniyang flat sa Mumbai noong Hunyo kung saan sinabing ito ay nagpakamatay.

Hindi naman naniwala ang mga kaanak nito at inakusahan ang actress na siya ang nagtulak sa nobyo na magpakamatay.

Noong 2019 ng magsimula ang relasyon ng dalawa kung saan sila ay nagsama sa iisang bubong noong Disyembre.

Pinagtakahan na lamang mga kaanak nito na bumalik ang actress sa kaniyang magulang isang linggo matapos ang pagkamatay ang actor.

May mga ebidensiya umanong nakuha ang mga otoridad sa bahay ng actress na nag-uugnay sa kamatayan ng nobyo.