-- Advertisements --

Pinatikim ng Meralco Bolts ang ikatlong sunod na pagkatalo ng Terrafirma Dyip 107-91 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Bong Quinto na nagtala ng 22 points sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Dahil sa panalo ay mayroong dalawang panalo at isang talo ang Bolts sa Group A habang ang Dyip ay wala pang panalo sa tatlong laro.

Nagtala rin ng 23 points at 12 rebounds si Allen Durham habang mayroong 17 points si Chris Banchero at 16 points, apat na rebounds naman si CJ Cansino.

Inamin ni Meralco coach Luigi Trillo na isang malaking hamon sa kanila ang laro dahil sa kakulangan ng ilang mga manlalaro bunsod ng injury.