-- Advertisements --

Buhay pa ang tsansa ng Meralco Bolts para sa makapasok sa semifinals ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na maitabla sa 1-1 ang best of three nila ng Barangay Ginebra 108-104 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

May tsansa pa sanang maitabla ng Gins ang laro subalit hindi naipasok ni RJ Abarrientos ang four-point shot nito.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 24 points at limang assists habang mayroong 17 points at anim na rebounds si Cliff Hodge.

Hindi naman naging sapat ang nagawang 36 points ni Justin Brownlee at 21 points ni Scottie Thompson para sa Ginebra.