-- Advertisements --

Tinalo ng Meralco Bolts ang Barangay Ginebra San Miguel 86-81 sa Game 6 ng 48 PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Dahil dito ay naitabla ng Bolts sa 3-3 ang Best of Seven semifinals series.

Bumida sa panalo ng Botls si Bong Quinto na nagtala ng 23 points.

Sa simula ng laro ay umarangkada agad ang Bolts at hindi na hinayaan pa na makalamang ang Ginebra.

Sinabi ni Bolts head coach Luigi Trillo na hindi sila nawalan ng pag-asa kaya ginawa nila ang lahat ng makakaya para umabot sa Game 7 ang laro.

Nasayang naman ang nagawang 19 points nina Japeth Aguilar at Christian Stanhardinger para sa Ginebra.

Gaganapin sa araw ng Biyernes ang Game 7 sa FPJ Arena sa San Jose , Batangas.

Ang sinumang manalo ay makakaharap ang San Miguel Beermen sa championship.