Ginulat ng Meralco Bolts ang NorthPort Batang Piero 111-94 sa nagpapatuloy na PBA Comissioners’ Cup.
Nanguna sa panalo ng Bolts si Akil Mitchell na nagtala ng 30 points, 13 rebounds, limang steals at tatlong assists habang mayroong 25 points, apat na rebounds at isang steal si Chris Banchero sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Sa pagsisimula ng second half ay hawak ng Batang Pier ang kalamangan hanggang hinabol ito ng Bolts sa pagpasok ng last quarter.
Ito na ang pang-anim na panalo sa siyam na laro ng Bolts kung saan tabla sila ng Hong Kong Eastern, Barangay Ginebra San Miguel at Converge FiberXers.
Habang ang NorthPort ay nasa unang puwesto na mayroong pitong panalo at daalawang talo.
Nasayang naman ang nagawang 29 points, 14 na rebounds at dalawang steals ni Kareem Jack habang mayroong 19 points si Arvin Tolentino, 12 points si Joshua Munzon at 11 points ni Will Navarro para sa Batang Pier.