-- Advertisements --
Bolts Trevis Jackson
Bolts guard Trevis Jackson/ FB post

Itinakbo sa pagamutan si Meralco bolts guard Trevis Jackson matapos na ito ay maaksidente habang nagsasagawa ang koponan ng ensayo.

Naganap ang insidente ng ito ay nag-rebound at namali ang bagsak nito sa playing court.

Inilabas ito gamit ang stretcher at dinala sa Medical city.

Ang 6-foot player na si Jackson ay naging pang-limang overall pick ng Bolts noong 2018 PBA Draft.

Si Jackson ang siyang pinakahuling manlalaro ng Bolts na kabilang sa injury list na unang naitala ay sina Ranidel de Ocampo na nagkaroong ng back spasms habang kasalukuyang nagpapagaling sa right knee tendonitis si Mike Tolomia.