-- Advertisements --

Hawak na ng Meralco Bolts ang 2-1 na kalamangan sa kanilang best of seven PBA Philippine Cup Finals nila ang San Miguel Beermen 93-89.

Naging matindi ang depensa ng bawat panig kung saan 16 na beses pa silang nagtabla.

Hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa natitirang 51.9 segundo ng laro hanggang nakabawi ang Bolts sa pamamagitan ng maipasok ni Chris Newsome ang bola na may kasamang foul sa natitirang 34.1 segundo.

Naipasok ni Newsome ang dalawang free-throw subalit hindi naipasok nina Marcio Lassiter at Chris Ross ang bola sa dying moments.

Nanguna si Newsome na mayroong 26 points, apat na rebounds at apat na assists habang mayroong 17 points, at 13 rebounds si Raymond Almazan at 16 points anim na rebounds naman ang naitala ni Bong Quinto.

Humanga si Bolts coach Luigi Trillo sa ginawang sipag ng kaniyang mga manlalaro dahil sa panalo.