-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Meralco Bolts para makuha ang unang PBA title.

Ito ay matapos na malusutan ang San Miguel Beermen 92-88 at makuha ang 3-2 na kalamangan sa Best of Seven Philippine Cup finals.

Nanguna naman sina Chris Newsome at Allein Maliksi na nagtala ng tig-22 points habang mayroong 14 points si Raymond Almazan.

Nasayang naman ang nagawang 38 points ni June Mar Fajardo at 17 points ni CJ Perez.

Sinabi naman ni Meralco coach Luigi Trillo na hindi pa mararapat na magdiwang dahil sa alam nila ang galing ng Beermen.