Nakatikim ng masaklap na pagkatalo ang Phoenix Super LPG sa kamay ng Meralco Bolts 111-109 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioner’s Cup.
Naging susi sa panalo ng Bolts si Akil Mitchell na naipasok nito ang floater sa natitirang 1.3 segundo sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Sa simula ay hawak ng Phoenix ang kalamangan kung saan umabot pa ito ng 23 points subalit dahil sa floater ni Mitchell ay siyang nagdala ng kanilang unang panalo.
Ito na rin ang pangalawang sunod na talo ng Phoenix kung saan naitabla pa nila sa 109-all ang laban sa pamamagitan ng lay-up ni Donovan Smith sa natitirang 16 segundo ng laro.
Inamin ni Meralco coach Luigi Trillo na lagi itong kumokunsulta sa active consultant niyang si Nenad Vucinic para maipanalo ang laban.
Nanguna sa panalo si Micthell na nagtala ng 27 points, 13 rebounds, tatlong assists at anim na steals habang mayroong 23 points si Chris Newsome, 15 points naman si Aaron Black at 14 pointssi Bong Quinto para sa Bolts.