-- Advertisements --

Nakuha ng Meralco Bolts ang kampeonato ng 2024 PBA Philippine Cup finals matapos talunin ang San Miguel Beermen 80-78 sa game 6 na ginanap sa Araneta, Coliseum.

Ang nasabing panalo ay makasaysayan sa
Bolts dahil ito ang unang kampeonato mula ng pumasok sa liga noong 2010.

May tsansa pa sana ang Beermen na madala sa Game 7 ang laro sa ilang segundo lamang na natitira subalit hindi naipasok ni June Mar Fajardo ang bola.

Nailigtas ni Chris Newsome ang Bolts ng maipasok niya ang kaniyang jumper sa natitirang 1.3 segundo at nakuha ang 80-78 na kalamangan.

Umabot pa sa 17 points ang kalamangan ng Bolts sa second quarter hanggang maitabla ng Beermen sa 49-all ang laro at hindi na nakalayo pa ang Bolts.