-- Advertisements --

Naitala ng Meralco Bolts ang twice to beat advantage sa quarterfinal matapos malusutan ang NLEX 104-101 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Nasa pangalawang puwesto na ang Bolts na mayroong walong panalo at dalawang talo.

Hawak ng Bolts ang kalamangan 101-82 na mayroong 7:00 sa last quarter hanggang nahabol ito ng Road Warriors sa 103-101.

Sa natitirang 2.4 seconds ng maipasok ng rookie player na si Calvin Oftana ang kaniyang tira para makuha ang 103-101 na panalo.

Nanguna si Allein Maliksi na nagtala ng 22 points habang mayroong 17 points si Alvin Pasaol.

Nag-ambag naman ng 16 points, pitong rebounds at limang assists si Mac Belo habang mayroong 13 points, 11 rebounds at tatlong blocks si Raymond Almazan.