-- Advertisements --

Nakuha ng Meralco Bolts ang unang panalo laban sa San Miguel Beermen 93-86 ng kanilang best-of-seven finals ng 2024 PBA Philippine Cup Finals.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Chris Banchero na nagtala ng 18 points, pitong rebounds at limang assists habang mayroon 18 points din at anim na rebounds naman si Christ Newsome para sa Bolts.

Sinabi ni Meralco coach Luigi Trillo na hindi muna sila magdiriwang sa ngayon dahil sa ito ay first game lamang.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at 10 rebounds ni June Mar Fajardo habang mayroong 20 points si CJ Perez para sa Beermen.