-- Advertisements --

Nalusutan ng Meralco Bolts ang Magnolia Hotsots 99-94 sa pagsisimula ng PBA Season 49 Governor’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa panalo ng Bolts ang nagbabalik na import na si Allen Durham na nagtala ng 20 points, 16 rebounds, dalawang assists at isang steal.

Habang si Chris Banchero ay nagtala ng 14 points kung saan siya rin ang unang nakapagtala ng 4 points sa kauna-unahang official four-pointer line.

Mayroon namang tig-13 points sina Jolo Mendoza at Chris Newsome.

Sinabi n Bolts head coach Luigi Trillo naniniwala siyang kayang-kaya ng mga manlalaro nito ang makapagshoot sa mga 4 points line.

Nasayang naman ang nagawang 29 points ni Magnolia import Glen Robinson III at 17 points ni Ian Sangalang.