-- Advertisements --
Nalusutan ng Meralco Bolts ang NLEX 97-94 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa PhilSport Arena.
Bumida sa panalo ng Bolts si Suleiman Braimoh na mayroong 38 points, walaong rebounds habang 15 points naman ang naitala ni Chris Banchero.
Labis na natuwa si Meralco coach Luigi Trillo dahil hindi nito akalain na makahabol pa ang Bolts ng hawak ng NLEX ang kalamangan 77-48 sa third quarter.
Hinangahan din nito ang kanilang import dahil sa hindi nito ininda ang naramdamang injury sa paa.