-- Advertisements --
Napanatili ng Meralco Bolts wala pa ng talo sa tatlong laro sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang Terrafirma Dyip 96-91 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadiuim sa Maynila.
Sinabi ni Bolts head coach Luigi Trillo na sinuwerte lamang sila dahil hawak umano ng Dyip ang kalamangan hanggang sa third quarter.
Nanguna sa panalo ng Bolts si DJ Kennedy na nagtala ng 32 points , anim na rebounds habang mayroong 11 points si Jansen Rios.
Nag-ambag naman ng tig-15 points sina Chris Newsome at Raymond Almazan.
Si Kennedy ay pansamantalang import na ipinalit kay Aki Mitchell na nagpapagaling pa dahil sa injury.
Hind naman umubra ang nagawang 21 points ng bagong import ng Dyip na si Brandon Edwards.