-- Advertisements --

Nilampaso ng Meralco Bolts ang Macau Black Bears 97-85 sa East Asia Super League (EASL) 2024-2025 Season.

Bumida sa panalo ng Bolts si Chris Newsome na nagtala ng 18 points, anim na assists, tatlong rebounds at tatlong steals habang mayroong tig-17 points sina Allen Durham at David Kennedy sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Napababa pa ng Macau ang kalamangan ng Bolts subalit sa last quarter ay hindi nagpapigil pa si Newsome.

Hindi naman umubra ang nagawang 23 points at 14 rebounds ni William Artino habang may 12 points din si Jeantal Cylla para sa Macau.