-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ang Meralco Bolts ng malusutan nila ang NorthPort 80-73 sa PBA Philippine Cup.

Nagtapos ang Bolts sa pitong panalo at apat na talo sa larong ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena.

Pumalo pa sa mahigit 19 points ang kalamangan ng Bolts para itala ng NorthPort ang kanlang isang panalo at sampung talo.

Bumida sa panalo ng Bolts si Bong Quinto na mayroong 14 points na naitala habang mayroong tig-11 points sina Raymond Almazan at Chris Newsome.

Mula pa ng unang quarter ay hawak na ng Bolts ang kalamangan.

Aminado si Bolts coach Norman Black na nangamba sila sa ginawang paghabol ng NorthPort subalit ikinatuwa nito ang pagiging matatag ng kaniyang mga manlalaro.