-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng 2021 PBA Philippine Cup ang Meralco Bolts matapos talunin ang NLEX 97-86.

Nagamit ng Bolts ang kanilang twice-to-beat advantage laban sa NLEX para makaharap ang Magnolia Hotshots.

Hawak pa ng NLEX ang kalamangan sa first quarter hanggang makabawi ang Bolts pagpasok sa mga natitirang quarters.

Umabot pa sa 18 points ang kalamangan ng Bolts sa third quarter.

Pinangunahan ni Chris Newsome ang Bolts na nagtala ng 23 points,siyam na rebounds, anim na asssits at dalawang blocks.

Aminado si Bolts coach Norman Black na hindi madaling talunin ang NLEX dahil sa kakaibang diskarteng ipinamalas ng kanilang coach na si Yeng Guiao.