-- Advertisements --

Ginulat ng Meralco Bolts ang San Miguel Beermen 78-71 sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup.

Susubukan ng Beermen na iwasan na ma-upset sa decider game nila sa Linggo.

Umabot pa sa 16 points ang kalamangan ng Bolts hanggang mapababa ito ng Beermen.

Bumida sa panalo ng Bolts si Reynel Hugnatan na nagtala ng 16 points at 14 points naman si Aaron Black.

Ayon kay Bolts coach Norman Black, na naglaro sila na may puso kaya sila ay nagwagi.

Dagdag pa ni Black na nararapat na irespeto ang Beermen dahil kahit kulang ang mga manlalaro nito ay nahirapan sila.