-- Advertisements --

Pinahiya ng Meralco Bolts ang Barangay Ginebra 83-80 para madala sa do-or-die game ang best of five semifinals ng PBA Philippine Cup.

Itiinuturing na isang bayani sa laro si Reynel Hugnatan ng maipasok nito ang kaniyang tira sa 15.1 seconds at maitala ang 81-80 na kalamangan.

Muntik ng maipanalo ng Ginebra ang laro subalit natapalan ni Raymond Almazan ang layup shot ni Stanley Pringle.

Nagtagumpay ang outlet pass ni Cliff Hodge kay Newsome at naipasok nito ng layup shots.

Ayon kay Bolts coach Norman Black, nakakuha sila ng tamang pagkakataon.

Nagtala ng 16 points, 11 rebounds, anim na steals at limang assists si Newsome habang mayroong 19 points si Hugnatan.