-- Advertisements --

Napigilan ng Meralco Bolts ang Magnolia Hotshots para makapasok sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na makuha ng Bolts ang panalo 102-98 sa Game 5 sa kanilang best of seven semifinals sa laro na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Humabol lamang ang Bolts sa last quarter ng laro.

Bumida sa panalo ng Bolts si Allein Maliksi na nagtala ng game-high 29 points habang mayroong 24 points si John Pinto at 23 points, five rebounds at anim na assists si Chris Newsome.

Nagtabla pa ang laro sa 90 points sa ilang minutong natitira ng last quarater hanggang maipasok ni Maliksi ang dalawang three-points para maitala ang 99-93 sa natitirang 1:21 na oras.

Target ngayon ng Bolts ng maitabla sa 3-3 ang laro nila sa game six na gaganapin sa Biyernes.