-- Advertisements --

Tinambakan ng Meralco Bolts ang Converge FiberXers 116-88 sa nagpapatuloy na PBA Governors’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pangatlong sunod na panalo ng Bolts kahit kulang ang mga manlalaro nila dahil sa injury.

Nadagdag kasi sa injury list si Cliff Hodge kina Allein Maliksi, Raymond Almazan at Aaron Black.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Allen Durham na nagtala ng 27 points, 14 rebounds at anim na assists habang mayroong 24 points si Chris Banchero.

Dahil dito ay mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Bolts kung saan solo nila ang unang puwesto sa Group A.

Sa simula pa lamang ay dominado na ng Bolts ang laro at hindi na nila pinalamang pa ang Converge.

Ang 28-points na panalo ng Bolts ay siyang pinakamalaking puntos mula ng talunin nila ang San Miguel 111-81 sa 2018 Governor’s Cup.