-- Advertisements --

Tinambakan ng Meralco Bolts ang Terrafirma Dyip 118-80 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ni CJ Cancino na mayroong 19 points, Kurt Reyson na mayroong 16 points at Bong Quinto na mayroong 13 points sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Umabot pa sa 42 points ang kalamangan ng Bolts kung saan hindi na nakahabol pa ang Dyip hanggang sa pagtatapos ng kanilang laban.

Mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang Bolts habang ang Dyip ay mayroong isang panalo at isang talo.

Nasayang naman ang nagawang 23 points ni Mark Sangalan at tig- 11 points nina Stanley Pringle at Aljun Melecio para sa Dyip.