-- Advertisements --
Meralco Bolts
Meralco Bolts/ PBA image

Tinambakan ng Meralco Bolts amg Columbian 92-74 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Allen Durham na nagtala ng 34 points at 14 rebounds.

Bagamat hindi nakapaglaro si Baser Amer dahil sa injury subalit tinulungan sila ni Raymond Almazan na mayroong 18 points at 24 rebounds.

Ayon naman ni Bolts coach Norman Black na kanilang paiigtingin ang depensa para magwagi na kanila namang ipinatupad.

Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Bolts mula sa unang quarter.

Nasayang naman ang nagawang 21 points ni CJ Perez at 19 points, 16 rebounds ni Khapri Alston.

Nasa pangatlong puwesto pa rin ang Bolts na mayroong pitong panalo at dalawang talo habang ang Dyip ay nasa pang-pitong puwesto na mayroong 4-6 win-loss records.