-- Advertisements --

Naging maganda ang pagsisimula ng Meralco Bolts ng 2025 sa PBA 49 Season Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Hong Kong Eastern 88-83 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Bolts si Akil Mitchell na nagtala ng 31 points, 14 rebounds, pitong steals at limang assists habang mayroong 16 points, apat na rebounds at dalawang assists si Bong Quinto.

Ito na ang pang-apat na panalo sa anim na laro ng Bolts.

Inamin ni Bolts head coach Luigi Trillo na isang aral na ang dalawang sunod na talo nila noong Disyembre kaya ipinakita lamang nila ang kanilang kakayahan.

Halos hindi na makalayo ang Bolts dahil sa nalamangan pa sila ng Eastern 72-71 hanggang mahabol ito ng Bolts at makuha ang kalamangan 79-73 sa natitirang anim na minuto.

Nasayang naman ang nagawang 28 points, 18 rebounds, tatlong assists at dalawang steals ni Chris McLaughin ng Hong Kong.