-- Advertisements --
Nanatiling wala pa ring talo ang Meralco Bolts sa pagsisimula ng PBA Governors Cup.
Tinalo kasi ng Bolts ang NLEX Road Warriors 110-100 sa laro ni ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng Bolts si Tony Bishop na nagtala ng 32 points.
Nakapagtala rin ng 19 points si Aaron Black habang mayroong 18 points si Chris Newsome habang mayroong 11 points at 12 rebounds si Cliff Hodge.
Sinabi naman ni Bolts coach Norman Black na naging epektibo ang ipinatupad nilang depensa.