KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang pinaniniwalaang bomb courier na naaresto sa Brgy.Sulit,bayan ng Polomolok South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni PLt. Redin Cuevas ng Polomolok PNP sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Korondal.
Ayon kay Cuevas magsisilbi sana ng warrant of Arrest ang mga kapulisan sa nasabing lugar nang makita ng mga otoridad ang isang kaduda-dudang lalaki na may dalang back pack.
Dahil dito, agad na nilapitan ng mga otoridad ang lalaki na kinilalang si Boni Lingay Sueb,22 anyos ,may asawa at residente ng Purok 6 Brgy Lapu, Polomolok, South Cotabato.
Nakuha sa backpack ng suspek ang ilang mga pinaniniwalaang IED components na kinabibilangan ng 1 unit ng rifle grenade with plastic improvised container, ibat-ibang uri ng wires , remote at kasama na rin ang subersibong mga dokumento kung saan makikita ang mga hakbang sa pag-gawa ng pampasabog.
Ayon pa sa mga otoridad ang naarestong suspek ang iniuugnay sa mga miyembro ng terroristang Daulah Islamiyah na binabantayan rin ng mg otoridad sa nasabing lugar.
Sa ngayon,mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9156 at RA 11479 ukon Anti-Terrorism Act of 2020 ang naarestong suspek.