Nagtala ng isang katao ang nasawi at nagresulta sa kawalan ng suplay ng kuryente ang pananalasa ng “bomb cyclone: sa West Coast ng United States.
Nagdala rin ito ng malakas na hangin at pag-ulan ng hanggang 80 kilometers per hour sa mga lugar ng Oregon, Washington at California.
Inaasahan din na magtutuloy-tuloy ang nasabing malakas ng pag-ulan ng hanggang Sabado.
Ibinabala ng National Weather Service (NWS) na magkakaranas din ng malawakang pagbaha ang nasabing bagyo.
Aabot din sa mahigit na 600,000 na mga residente ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing malakas na bagyo.
Habang ang ilang mga residente ay inilikas sa iba’t-ibang mga lugar.
Ang “Bomb Cyclone” ay isang uri ng sama na panahon na mabilis na dumadaan o panandalian lamang ang pagdaan nito sa isang lugar.
Kahit na panandalian lamang ay lubhang mapaminsala ang dala nitong ulan at hangin.