-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakatanggap ng Bomb Disposal Robot bilang donasyon ang Agusan del Sur Police Provincial Office Explosive Ordinance Disposal and K9 Group.

Ipinakita sa flag raising ceremony sa probinsyal na pamahalaan sa Agusan del Sur ang moderno at high-tech na EOD Robot na galing sa U.S. Department of State Antiterrorism Assistance Program sa layuning matulungan ang pulisya na mapaigting ang kapasidad sa counterterrorism measures nito.

Ayon kay EOD K9 Team Leader Alexander Fazon Jr, na swerte silang nakatanggap nito matapos naman silang nagpasa ng report kungsaan ang Agusan Del Sur ay nagiging hotspots sa IED Incidents kagaya sa pagkarekober, pag-turnover sa bomba ng kaliwang grupo. Bago umano ang turnover ay sumailalom si Fazon ng Caraga, sa training Manila bago ang nag-refresher course sa Zamboanga City sa loob ng isang linggo.

Ang nasabing robot ay kakayahang dalhin ang suspected item sa ligtas naa lugar para sa disposal.” Dagdag ni Fazon na imbis tao ang lalapit, ang robot na ang kukha sa IED o unattended package.

Napag-alamang lima lamang na EOD Robot na na-donar sa US dito sa Pilipinas kungsaan ang bawat isa kung bibilhin ay nagkakahalaga ng 8-million hanggang 13-million pesos.