-- Advertisements --
Dawlah

Natagpuan ng mga tropa ng Joint Task Force Central ang pabrika ng bomba ng Daulah Islamiyah sa Barangay Pagatin, Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Ayon kay Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Major General Juvymax Uy, ang pabrika ay pinaniniwalaang ino-operate ni Ustadz Esmael Abdulmalik, ang Emir ng Daulah Islamiya – Turaiffe Group.

Narekober ng mga tropa sa lugar ang 12 assorted container type improvised explosive device (IED); mga sangkap na panggawa ng bomba; Anti-Personnel claymore mine; rocket propelled grenade (RPG); laboratory at electronic equipment.

Sinabi ni Mgen. Uy na ang pagkakadiskubre ng pabrika ng bomba ay malaking dagok sa kakayahan ng mga terorista na maghasik ng karahasan sa mga komunidad.

Nanawagan ang Heneral sa mga komunidad na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pag-report ng mga kahina-hinalang aktibidad o indibidual sa kani-kanilang mga lugar.