-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Lubos ang pasasalamat sa mga tao sa bahagi ng Marcos Calo St., sa Butuan City nang magnegatibo sa bomba ang isang bag na tatlong araw iniwan ng hindi nakilalang mag-asawa sa labas ng isang salon sanhi ng bomb scare.
Napag-alamang inupuan pa ng sniffing dog ng rumesponding Explosives and Ordnance Disposal o EOD team ang naturang bag kung kaya’t kaagad na pinaalis ang mga usyusero sabay cordon sa naturang lugar.
Sa kasagsagan ng pagtsi-check, nalaman na mga damit lang at isang posporo ang laman nito at ang kemikal na taglay ng posporo ang dahilan na napa-upo sa tapat ng bag ang kanilang sniffing dog.