-- Advertisements --

Binulabog ng bomb threat ang operasyon sa terminal 1 ng Louderdale-Hollywood International Airport, sa South Florida, United States of America (U.S.A.), kahapon.

Nag-evacuate ang mga pasahero at opisyal ng nasabing airport terminal, matapos makatanggap ng bomb threat, bandang 5:30 PM, Eastern Standard Time (EST).

Idinetena ng mga awtoridad ang isang lalaki na hinihinalang may kinalaman sa bomb threat.

Naglabas na ng travel advisory ang naturang airport kaninang 9:33 AM, na nagsasabing babalik na sa normal na operasyon ang terminal 1, kung saan nangyari ang insidente.

Wala pang inilalabas na report ang airport kung ilan ang delayed flights dahil sa bomb threat.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente, at wala namang Pilipino ang nabalitang apektado sa dinulot na alarma ng bomb threat.

Photo courtesy from WSVN