-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng US Capitol Police ang nangyaring bomb threat malapit sa Library of Congress.

Ang nasabing lugar ay katapat lamang ng Capitol kung saan pinalikas agad ang mga katao sa kalapit na gusali.

Isang lalaki umano ang kanilang iniimbestigahan na mayroong dalang bomba sa kaniyang sasakyan sa labas ng Library of Congress.

Isinara ng mga otoridad ang kalsada sa palibot ng Capitol at nakakalat na ang mga kapulisan sa paligid.