CENTRAL MINDANAO-Nadepyos ng militar ang isang Improvised Explosives Device (IED) at mga armas sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat ng 601st Brigade ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army na tumanggap ng impormasyon ang 40th Infantry Battalion mula sa mga sibilyan sa bomba na iniwan sa gilid ng kalsada sa Brgy Bagumbayan President Quirino Sultan Kudarat.
Agad na nagresponde ang tropa ng 40th IB katuwang ang pulisya at Explosive Ordnance Disposal Team ng Phil Army kung saan di-nefused nila ang IED.
Di kalayuan sa iniwang bomba nadiskubre din ang mga armas na iniwan sa isang kubo na kinabibilangan ng isang M79 grenade launcher,Caliber .22 hunting rifle,isang kalibre.45 na pistola at mga bala.
Grupo ng mga armed lawless group ang nag-iwan ng IED at mga armas.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayan ng President Quirino SK.