-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) ang iniwan sa gilid ng kalsada at palayan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Sa ulat ng 601st Brigade Philippine Army na tumanggap sila ng impormasyon galing sa mga sibilyan sa iniwang bomba sa Brgy Bagumbayan, President Quirino, Sultan Kudarat.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng 40th Infantry Battalion Philippine Army at 3rd Explosive Ordnance Disposal Team.

Agad isinara ng mga sundalo at pulis ang kalsada para masiguro ang seguridad ng mga sibilyan.

Ang IED ay gawa sa flash powder, mga pako, blasting cap at pulbura na isinilid sa isang liter plastic container na na-defuse ng EOD team.

Naniniwala si 601st Brigade commander Colonel Jose Narciso na posibling kagagawan ito ng mga armed lawless group kagaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa probinsya ng Sultan Kudarat lalo na sa bayan ng President Quirino.