-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Grupo umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek sa pinakahuling pagsabog ng bomba sa probinsya ng Maguindanao.
Sa ulat ng 601st Brigade Philippine Army, sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa gilid ng national highway sa Sitio Lining, Brgy Lower Salbo, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Posibleng target daw ng BIFF ang convoy ng mga sundalo o kaya mga lokal na opisyal sa probinsya.
Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa lalawigan ng Maguindanao.