-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ginulantang nang malakas na pagsabog ang lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na sumabog ang bomba sa gilid ng national highway halos kasabay ng pagdaan ng convoy ni Vice-Governor Lester Sinsuat sa Sitio Gubat Barangay Makir Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Inaalam rin ng pulisya kung ang convoy ni VG Sinsuat ang target ng mga suspek.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang pagbabantay sa lahat ng sulok sa lalawigan ng Maguindanao.