-- Advertisements --
cotabato bus Yello bomb

CENTRALMINDANAO – Ginulantang ng pagsabog ang probinsya ng Cotabato dakong alas-12:30 ng tanghali kanina.

Dalawa na ang nasawi na nakilalang sina Gina Paunon, 53, may asawa at residente ng Barangay Cajelo, Tulunan, North Cotabato at Ryan Panibayo ng Barangay Nabundasan sa bayan ng Tulunan.

Sugatan naman sina Rodel Secur, 24, Kent Lloyd Sendero, 19, Eduard Odango at Retchie Pedroso, 32.

Ayon sa ulat ng pulisya, sumabog ang hindi pa matiyak na bomba sa ticketing booth at tinamaan ang isang unit ng Yellow Bus Line na may body number 2988 sa bahagi ng national highway sa Barangay Sibsib, Tulunan North Cotabato.

Agad dinala ang mga biktima sa SMMC Hospital sa bayan ng Tulunan ngunit binawian ng buhay si Paunon na nagtamo ng matinding tama mula sa bombang sumabog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at militar sa naturang pangyayari.