(Update) KORONADAL CITY – Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP sa nangyaring pagsabog sa isang restaurant sa bayan ng Isulan kung saan umaabot na sa 18 ang sugatan.
Sa ulat ni Bombo correspondent Larry Geronio, sumabog ang pinaniniwalaang bomba sa loob mismo ng Carlitos restaurant pasado alas-3:00 nitong hapon.
Karamihan umano sa mga nasa restaurant ay mga estudyanteng kaka-graduate lamang sa high school at nagse-celebrate kasama ang kanilang pamilya.
Sa ngayon kinordon na ang area at nangangalap pa rin ng karagdagang impormasyon ang mga otoridad sa nasabing pagsabog. Inaalam din kung sino ang nasa likod sa naturang panibagong karahasan at motibo sa pangyayari.
Samantala, kabilang sa mga isinugod sa Sultan Kudarat Provincial hospital ay ang mga sumusunod:
1.Randy Tranquillero, Galinato Subd.
2.Guiamedel Norhana, Daguma, Bagumbayan, SulKud
3.Datu Joven Guiamedel
4.Tristian Casipe
5.Dan Laguerder
6.Karl Denver Laguerder
7.Bai Amina Japitana, 8, Tayugo, Isulan
8.Cyril Gubal dela Cerna, New Pangasinan, Isulan
8.Watchel dela Cerna, New Pangasinan, Isulan
9.Sylyka Falcoagpet,
10.Masunlog Montaser Masunlog
11.Nasser Masunlog
12.Malidas bai Ali Mindal Daguma, Bagumbayan
13.Malidas Midatu Mindal, 13, ng Isulan
14.Johnmark Sumandal
Specialist Center X-ray room
1.Cheche Malidas, 22, Daguma, Bagumbayan
2.Johnny Garcia, 41, Kalawag 1, Isulan
St Louis Hospital, Tacurong City
2.Jenny Pabagaman, Shariff Aguak, Maguindanao