-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umaarangkada na ang tinaguriang “the largest beach festival in the country” ang Sarangani Bay Festival 2023 kung saan halos tatlong taon din itong naudlot bunga ng pandemya.

Kasabay ng muling pagbabalik ng SarBay Fest, siyempre nandyan ang Bombo Radyo upang maghatid ng kasiyahan dahil aarangkada na rin ang Bombo Radyo Bancarera na kasalukuyan ng ginaganap.

Maglalaban-laban ang 50 banca riders kung saan ang maging Champion ay mag-uuwi ng P50,000 cash prize plus makina at propeller, 30,000 plus makina at propeller para sa 1st runner up, P20,000 plus propeller para sa 2nd runnerup, at P10,000 para naman sa 3rd runner up.

Ang mga hindi nanalong kalahok ay hindi uuwi ng luhaan dahil makakatanggap pa rin sila ng tig-P2,000 cash prize.

Kaugnay nito, sinabi ni Joanna Banting Lapore ang Information Officer ng Sarangani Province na imbitado ang lahat dahil libre itong gaganapin dito sa Gumasa Beach sa Glan Sarangani.

Hindi lamang magagandang papremyo para sa mga banca riders ang hatid ng Bombo Radyo, kundi pati na rin sa mga nais pumunta dahil mararanasan din ang ipinagmamalaking white sand beach ng Sarangani sa iba’t-ibang aktibidad na mae-enjoy ng lahat.

Ang Sarbay Fest pormal na sinimulan ngayong araw, Mayo 25 at magtatagal ito hanggang Mayo 27, 2023.