-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Muling aarangkada ang Bombo Bancarera Mahin Festival Edition na nakatakda sa Abril 21, 2023 na isasagawa sa Gumasa, Glan, Sarangani Province.
Ito ang kauna-unahang Bombo Bancarera na isasagawa mula nang nagsimula ang COVID 19 pandemic.
Nanawagan si Mayor James Yap Sr., sa Glan, Sarangani sa publiko na saksihan ang Bombo Bancarera na isa sa mga event ng Mahin Festival 2023.
Bawat Bombo Bancarera na isasagawa sa GenSan at Sarangani ay marami ang mga tawo na gusto makita ang naturang aktibidad.
Ang Glan, Sarangani Province ay dinadarayo ng maraming mga turista dahil sa magagandang mga beaches nito.